Topic: Maraming Nagtatanong araw-araw tungkol sa EPS ang bawat tanong ay aking pinapadala sa ating Labor Attach Felicitas Bay nang Philippine Embassy at ito ay tinutuganan ang mga tanong.
Dear ___________________
Ang inyo pong email na “Senior Citizen na Kami Kung Tawagin sa KLT” ay pinadala po sa amin nang aming Labor Office sa Seoul, Korea upang aming tugunan.
Ibig po naming ipaalam sa inyo na kami po ay nakipag-ugnayan ke Director General Im Jong-Jin, ang HRD Korea Resident Representative na nakatalaga po dito sa Pilipinas, tungkol po sa inyong concern. Ayon po ke Director Im, tanging ang employer lang po ang namimili nang mga manggagawa na gusto nilang i-hire sa kanilang tanggapan at wala pong control ang HRD Korea sa pagpili nang mga workers na nasa roster. Dagdag pa po ni Director Im na wala pong “bias” pagdating sa edad nang mga manggagawa at lalong hindi sila nagbibigay nang “priority or special treatment” sa mga ito.
Nais pa pong ipaalala ni Dir. Im na kahit po kayo ay nakapasa sa EPS-TOPIK, ito po ay hindi nagbibigay nang garantiya na kayo ay makakakuha nang trabaho sa Korea.
Nawa’y natugunan po naming ang inyong concern.
Maraming salamat po.
MYRNA B. RICAFORT
OIC, Client Services Division
Government Placement Branch
cc: Labatt Fely Q. Bay
POLO-Korea
Kung may mga tanong pa pokayo please comment below in this blog maraming salamat po
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMam ask ko lng po.7th klt passer po ako.hindi pa po ako natatawagan hnggang ngayon.payag po sana ako khit mgretake ako uli ng klt test .kaso po 41 na ako .e hanggang 39 lng po yung pwede kumuha ng klt exam.wala na po bang pag asa yung application ko sa poea?di po ba ako pwedeng isama pa rin sa pagpipilian ng employer? gusto ko po sana mlaman Mam kung chance pa po ako.salamat po.
ReplyDeletehello po expire napo ba ang inyong exam ?
Deleteof hindi pa expire po may pagasa pa po kayong ma select pero once na maexpirenapo wala napong pagasa na mapakapagexam ulit po
thank u po