Gabay sa Aplikasyon ng Claim para sa “Occupational Health & Safety
Insurance” (“Sanjae Bohum”) ng mga Dayuhang Manggagawang Pauwi na sa
Kanyang Bansa
○ Ano ang “Occupational Health and Safety Insurance” (“sanjae bohum”)?
- Ito ay sistema ng social insurance sa Korea kung saan ginagamit ang perang mula sa “sanjae bohum” upang
maipagamot ang mga manggagawang naaksidente o nagkasakit dahil sa pagtatrabaho at kinakailangang magpagamot sa
loob ng apat (4) na araw o higit pa. Ang insurance ay inilalaan din para mabayaran ang 70% ng average na sweldo
habang sila’y nagpapagamot at hindi makapagtrabaho. Ginagamit din ang insurance na ito kapag namatay ang
manggagawa upang maibigay ang benepisyo para sa pamilya ng pumanaw.
- Ang lahat ng mga dayuhang manggagawa, kahit na sila’y legal o ilegal, ay maaaring mag-apply at makatanggap ng
benepisyo mula sa “sanjae bohum” gaya ng mga Koreano.
- Kapag ang sintomas ng sakit ay naranasan matapos nang makauwi sa Pilipinas, maaari pa ring mag-apply at
makatanggap ng benepisyo mula sa “sanjae bohum” sa HRD Korea EPS Center sa Pilipinas.
○ Proseso ng aplikasyon para sa “Sanjae bohum” ng mga dayuhang manggagawang nakauwi na
- Matapos magpakonsulta ng dayuhang manggagawa sa HRD Korea EPS Center, sagutan ang “medical care application
form” na makikita sa sentro at saka ito isumite. (EPS Center → Korea Workers’ Compensation and Welfare Service
(“COMWEL”))
- Isasagawa ng COMWEL ang pagsusuri tungkol sa detalye ng tinamong aksidente, uri ng trabaho at iba pa. At saka nila
pagpapasiyahan kung iyo ba ay maituturing na aksidente sa pagtatrabaho (“work-related accident”).
- Isulat nang detalyado ang mga sumusunod: ① Petsa ng unang pagpasok sa kumpanya, oras ng pagtatrabaho, bilang ng
araw ng pagtatrabaho sa loob ng isang linggo, panahon ng pagtatrabaho, ② oras ng pagpapahinga, oras ng pagkain, ③
detalye tungkol sa mga dating pinagtrabahuhan (pangalan ng kumpanya, tungkulin sa kumpanya (uri ng trabaho), panahon
ng pagtatrabaho), ④ taas, bigat (height, weight), ⑤ ilista kung anu-ano ang mga dating naging sakit o kung may
aksidenteng dating natamo, ⑥ madalas na isagawang ehersisyo at libangan, ⑦ isulat kung naninigarilyo at/o umiinom ng
alak, ⑧ detalye ng trabaho (sa bawat oras), ⑨ detalye ng natamong aksidente o detalye ng nararanasang sintomas, ⑩
personal na impormasyon ng saksi, ⑪ pinuntahang medikal na institusyon matapos maranasan ang sintomas, ⑫ alamin
kung may nararanasan ding katulad na sintomas ang ibang katrabaho, ⑬ kung may natanggap kayong bayad para sa
pagpapagamot o sahod sa mga araw na hindi nagtatrabaho mula sa inyong kumpanya. Matapos itong maisulat sa
application form, saka ito isumite.
○ Talahanayan ng Proseso
A. Pagsusumite ng “Medical
Care Application Form”
(Manggagawa → EPS
Center)
B. Pagsusuri tungkol
sa aksidente
C. Pagpapasiya kung ito
ba ay aksidente sa
pagtatrabaho
D. Pagbibigay ng notipikasyon
tungkol sa resulta ng inaapply
na medical care (EPS Center
→Manggagawa)
○ Uri ng mga Benepisyo mula sa Insurance
○ EPS Center sa Pilipinas
- Tagapamahala: Im Jong-jin, Direktor ng Sentro (maaaring mapalitan ang tagapamahala)
- Address: Embassy of the Republic of Korea, Suit 2002-A West Tower, Philippine Stock Exchange Centre, Exchange Road, Ortigas Center, Pasig City,
Philippines
- Telepono: 070-7431-0195
1
Sa pagsasagawa ng pagsusuri tungkol sa aksidente, kinakailangan nilang tiyakin sa employer at sa manggagawa ang detalye
tungkol sa pagtatrabaho at maaari rin silang humingi ng kaugnay na dokumento para rito. Kaya naman maaaring maantala
ang pagbibigay ng desisyon dahil dito.
2
Kapag nag-apply para sa medical care para sa sakit na nakuha dahil sa pagtatrabaho, ang “Occupational Diseases
Deciding Council” ang magpapasiya kung ito ba ay matuturing na sakit dahil sa pagtatrabaho
Source: http://www.poea.gov.ph/epstopik/Guidelines%20of%20Application%20for%20Industrial%20Accident%20Compensation%20for%20Foreign%20Workers.pdf
POEA WEBSITE
No comments:
Post a Comment
Cheers,
Gennie Kim